Walang hanggang pagsinta

B168 C232 CB284 E284 K802 R218 S137 T284
1
Walang hanggang pagsinta
Sa akin ay umibig,
Ginabay ng biyaya,
Upang aking mabatid.
Kapayapaang sakdal
Kay banal na damdamin,
Patuloy pagmamahal,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
Walang hanggang pagsinta
Sa akin ay umibig,
Ginabay ng biyaya,
Upang aking mabatid.
Kapayapaang sakdal
Kay banal na damdamin,
Patuloy pagmamahal,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
2
Palibot lunting kulay,
Langit higit na bughaw;
Bawa’t kulay may buhay,
Walang Diyos di matanaw:
Ibong nag-aawitan,
Bulaklak magaganda,
Yamang aking nalaman,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
Palibot lunting kulay,
Langit higit na bughaw;
Bawa’t kulay may buhay,
Walang Diyos di matanaw:
Ibong nag-aawitan,
Bulaklak magaganda,
Yamang aking nalaman,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
3
Ang bumagabag noon
Di na makabalisa,
Sapagka’t ako ngayon
Nakahimlay sa Kanya.
Mananatili ako
Magpakailanman dito,
Binubulungan ako,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
Ang bumagabag noon
Di na makabalisa,
Sapagka’t ako ngayon
Nakahimlay sa Kanya.
Mananatili ako
Magpakailanman dito,
Binubulungan ako,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
4
Tanging Kanya kailanman
Di mapaghihiwalay;
Anong kapahingahan
Si Kristo magbibigay.
Langit, lupa’y mawala,
Liwanag ma’y dumilim,
Ang Diyos aking kasama,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.
Tanging Kanya kailanman
Di mapaghihiwalay;
Anong kapahingahan
Si Kristo magbibigay.
Langit, lupa’y mawala,
Liwanag ma’y dumilim,
Ang Diyos aking kasama,
Ako’y Kanya, Siya’y akin.