Matagumpay Mong pagsinta
1
|
Matagumpay Mong pagsinta, Sa aki’y ’binuhos; Puso ko’y di na gagala, Mauugat sa Diyos, Mauugat sa Diyos. |
2
|
O banal na apoy, nawa Sa aki’y magningas; Sunugin ang pita’t nasa, Sa tayog iligtas, Sa tayog iligtas. |
3
|
O apoy ng Pentecostes: Sala ko’y tupukin! Espiritung umaalab: Puso ko’y puspusin! Puso ko’y puspusin! |
4
|
Apoy Mo ay sunugin din, Luma kong nilalang; Buhay Mo’y palaganapin, Sa lahat kong puwang, Sa lahat kong puwang. |
5
|
Matatag kaluluwa ko, Di natitigatig; Ang daigdig ko’y si Kristo, Puso ko’y pag-ibig, Puso ko’y pag-ibig. |