Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

Tagalog1095
1
Awitin ang pagpuri
Poon mal’walhati,
Ang anghel makikinig
Lakasan ang tinig;
Marininig ng mundo
Pagpuri kay Kristo,
Ang kampon ni Satanas
Mayanig, tatakas.
2
Pag natikom ang labi
Diyablo ay ngingiti;
Labanan siya’t talunin
At siya’y palayasin.
Sa “hain ng pagpuri”
Sigaw ng pagwagi -
Kahihiyan matalos
Piling-mangmang ng Diyos!
3
Mundo kailanma’y hindi
Nagbigay ng puri,
Gloria man o salamat
Sa Tagapagligtas;
Kaya hindi na wasto
Kunin kanyang “Oo,”
Pagpuri’y isigaw mo!
Mula sa ’spiritu!
4
Kapatid, huwag magtimpi
Sigaw ng pagpuri!
Ang biyaya’t tagumpay
Ng Diyos ay isaysay.
Ngayon na ang panahon,
Purihin Panginoon!
Anuman ang mangyari,
Siya’y ipagmalaki!

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.