Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Hangarin kong mamuhay

PANANALANGIN SA KABANAL-BANALAN

Tagalog769
1
Hangarin kong mamuhay,
Sa kabanal-banalan;
B’yayang trono’y hipuin,
Tubig Niya’y padaluyin.
2
Ang kabanal-banalan,
Nasa ’king espiritu;
Pangino’n nananahan,
Do’n Siya matatagpuan.
3
Sa ’spiritu’y babalik,
Siya’y aking matagpuan;
Ito’y kahanga-hanga!
Kumpletong nasa lo’b Siya.
4
Samyo ng Kristong buhay,
Sa loob ko nataglay.
Sa ’spiritu magdasal,
Kristo aking matanghal.
5
Kristong nasa ’spiritu,
Hipuin nang matamo;
Lahat Niyang kayamanan,
Ako’y mapupuspusan.
6
Malalim na paghipo,
Siya’y mararanasan ko;
Kautusan ng buhay,
Pagpapahid mataglay.
7
Higit na hinihipo,
Higit na tumitimo;
Ang malalim na Kristo,
Ang mannang nakatago.
8
Pagkabuhay-na-muli,
Karanasan kong tunay;
Umusbong sangang tuyo,
Pagtanggap Niya’y matanto.
9
Trono ng biyaya Mo,
Natagpuan ko rito;
Agos ng tubig-buhay,
Mula sa trono’y taglay.
10
Nananalangin tayo,
Napalaya’t nahalo;
Sa ’ting mga ’spiritu,
Saserdote nga tayo.
11
Sa kabanal-banalan,
Panginoo’y mahipo;
Trono ng biyaya Niya,
Lubusang matamasa.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.

Lc

San Juan, NCR, Philippines

Mai 21, 2024

Trono ng biyaya Mo,
Natagpuan ko rito;
Agos ng tubig-buhay,
Mula sa trono’y taglay.

Weiterlesen