Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Kay Kristo ang kalayaan

PAGDARANAS KAY KRISTO BILANG ANG TAGAPAGPALAYA

Tagalog540
1
Kay Kristo ang kalayaan,
Pinalaya na ako!
Kasalana’t kamatayan,
Lubos ang pagkatalo!
 
Higit pa sa magtagumpay,
Sa krus magmamapuri,
Ang kautusan ng buhay
Nagpapalakas lagi!
2
Si Kristo ang nagpalaya
Sa bawa’t kautusan;
Buhay ayon sa biyaya,
Ay walang kaapihan.
3
Kasalana’y nahatulan,
Nalipol kanyang lakas;
Wala na siyang katayuan,
Gapos sa aki’y kalas.
4
Kamataya’y dinaig Niya,
Buhay ipinahayag;
Kamataya’y walang bisa,
Pagkabuhay matatag.
5
Satanas, kasam’an, mundo,
Nilipol na ni Kristo;
Kadiliman ay naglaho,
Buhay, ilaw natanto.
6
Biyayang sapat ay kamtan,
Kanyang kapangyarihan;
N’ging sakdal sa kahinaan,
At ako’y nasisiyahan.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.