Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Mahal naming Kristo ng Diyos

PAPURI SA PANGINOON SA KANYANG TAGUMPAY

Tagalog126
1
Mahal naming Kristo ng Diyos,
Awit sa Iyong lubos;
Katubusan tinupad Mo,
Pala’y aming ’tamo.
Ika’y lumuklok sa trono,
Kalaban tinalo.
Tungo sa kaharian Mo,
Dadalhin Mo ako.
2
Mahal naming Kristo ng Diyos,
Awit sa Iyong lubos;
Kamataya’y nilusob Mo.
Hari do’n tinalo.
Ang alabok na tahanan,
Tinalong lubusan;
Ikaw pa rin ang may tangan,
Sa Hades, libingan.
3
Mahal naming Kristo ng Diyos,
Awit sa Iyong lubos;
Mapanghimagsik na dyablo.
Sa krus winasak Mo.
Kapangyarihan ng buhay,
Hades walang saysay;
Lakas ng dilim, wala na
Bihag pinalaya.
4
Mahal naming Kristo ng Diyos,
Awit sa Iyong lubos;
Mandaraig at Poon din,
Nagpalaya sa ’kin.
Lakas ng kaligtasan Ka,
Ako’y pinalaya.
Sa Iyo nga’y, kal’walhatian,
Hanggang walang hanggan.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.