Kristo sa ’kin nabubuhay.
Kalakip Niya na napako;
Katotohanang natamo.
Di na ’ko ang nabubuhay,
Kundi si Kristo ang buhay.
Kristo sa ’kin nahuhubog.
Kalikasan at buhay Niya,
Sa akin isinagawa.
Lahat ko ay natapos na,
Lahat ni Kristo’y akin na.
Kristo sa ’kin mapalaki!
Walang dapat ikahiya,
Kasawian o biyaya.
Sa buhay ma’t kamatayan,
Si Kristo’y patotohanan.
Kristo ang aking layunin,
Puso’y walang ibang hangad,
Liban kay Kristo Siyang lahat.
Pag-asa, putong, l’walhati,
Si Kristong walang kauri!