Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Ako’y Iyo Hesus, ang sinabi Mo

MGA PANANABIK SA LALONG MALAPIT NA PAGLAKAD KASAMA NI KRISTO

Tagalog387
1
Ako’y Iyo Hesus, ang sinabi Mo,
Pag-ibig Mo’y dakila;
Nguni’t makaakyat ang nais ko
At makakapiling Ka.
 
Palapit sa Iyo, Panginoon
Sa tag’lirang nagdugo;
Palapit kay Hesus, akitin ngayon
Sa mahal na piling Mo.
2
Ako’y pabanalin ng biyaya,
At maglilingkod sa Iyo;
Espiritu ko’y sa Iyo umasa,
Pasiya ko ang pasiya Mo.
3
Maikling panahon sa Iyong trono,
Galak walang kaparis;
Sa Iyong paanan at kaharap Mo,
Pagniniig matamis.
4
Pag-ibig kay lalim di ko tanto,
Liban kung magpangita;
Galak kay taas, di ko matamo,
Liban kung kapiling Ka.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.

Timothy Amoroso

Taguig, Manila, Philippines

Feb 20, 2014

Good song.

Weiterlesen