Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Hesus—kailangan ko

MGA PANANABIK SA PAGSASALAMUHA KAY KRISTO

Tagalog371
1
Hesus—kailangan ko
Bawa’t saglit;
Mayuming tinig Mo
Mapang-akit.
 
Tunay Kitang kailangan,
Sa lahat ng oras,
Ako’y Iyong biyayaan,
Bigyang lakas.
2
Kailangan nga Kita,
Lumapit Ka;
Tukso’y walang bisa,
Narito Ka.
 
Tunay Kitang kailangan,
Sa lahat ng oras,
Ako’y Iyong biyayaan,
Bigyang lakas.
3
Kahit anong datnan,
Lungkot, sayá,
Sa ’kin Ka manahan,
Sasapat na.
 
Tunay Kitang kailangan,
Sa lahat ng oras,
Ako’y Iyong biyayaan,
Bigyang lakas.
4
Sa akin ituro
Kalooban Mo,
Lahat Mong pangako,
Tamasa ko.
 
Tunay Kitang kailangan,
Sa lahat ng oras,
Ako’y Iyong biyayaan,
Bigyang lakas.
5
Kabanal-banalan
Anak ng Diyos,
Ako’y Iyong tatangnan
Angkining lubos.
 
Tunay Kitang kailangan,
Sa lahat ng oras,
Ako’y Iyong biyayaan,
Bigyang lakas.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.