Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Ama sinasamba namin

PAGSAMBA SA AMA SA KANYANG KABANALAN

Tagalog22
1
Ama sinasamba namin,
Kami sa Iyo’y umawit.
Kay banal Mo at kay tayog,
Pagsamba Iyong makamit.
2
Puso Mo, Ama’y pag-ibig,
Kat’wiran ang gawa Mo;
Iyong kalikasan ay banal,
Ikaw ang bahagi ko.
3
Sa dugong mahal ni Hesus,
Ako’y Iyong pinabanal;
At sa Iyong katotohanan,
Nabukod akong sakdal.
4
Sa Iyong Espiritu Santo,
Napabanal nga kami;
Sa espiritu, kalul’wa,
At katawan nang lagi.
5
O! Hesus, banal na buhay
Sa biyaya’y naangkin;
Kabahagi kami’y gawin
Ng Iyong kabanalan din.
6
Sa banal na Herusalem,
Kabanalan ko’y puspos.
Walang hanggan kong pahayag,
Kabanalan Mo’y lubos.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.