Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Dahil sa katuwiran Mo

PAGSAMBA SA AMA SA KANYANG KATUWIRAN

Tagalog20
1
Dahil sa katuwiran Mo,
Pagsamba namin ay Iyo;
Kay Kristo I-yong binigyan
Kami ng katuwiran.
Naging matuwid kay Kristo,
Di nabagbag budhi ko.
Sa tapat na kat’wiran Mo,
Kami ay nakatayo.
2
Napasakay Hesus sala,
Mat’wid na pinatay Siya;
Ang hiling ng kautusan,
Natupad nang lubusan.
Natubos dahil sa Kanya,
Kaya ’ko’y napalaya;
Pa’nong sisingilin ako
Ng Diyos na mat’wid mismo?
3
I-yong tinanggap Amang Diyos,
Kahalili’y si Hesus;
Hinatulan ang matuwid,
Para sa di-matuwid.
Lumuklok Siya sa Iyong kanan,
Saksi ng Iyong kat’wiran;
Binigyan Kang kasiyahan
Angkop sa Iyong kai-langan.
4
Dahil sa dugo ni Hesus,
Kat’wira’y aming lubos;
Sa loob ng kat’wiran Mo,
Naging matatag ako.
Kami’y naging Iyong kat’wiran,
Di na mahahatulan,
Hanggang Herusalem bago,
Ang aming patotoo.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.