Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Ang lahat ng mga pulong

MGA PAGPUPULONG SA PAGKABUHAY NA MULI

Tagalog1281
1
Ang lahat ng mga pulong
Na tinakda ni Kristo
Ay hindi makarelihiyon
Na may ritwal at porma.
Maging realidad natin
Pagkabuhay na muli
Hindi patay na relihiyon
Nang tayo’y mapalaya.
2
Sa pagkabuhay na muli
Tinapos ang relihyon,
Buhay na templo at handog
Ngayon ang  ating Kristo.
Aleluya, pinalaya
Sa pagkabuhay-muli!
Lahat ng pulong ay pista,
Relihyong luma’y aba!
3
O relihyon—anong tuso—
Sa dugo’y nakatago,
Maghayag ang Diyos sa atin
Di makita’y puksain.
Panginoon Iyong ibagsak
Kalulwang relihyoso!
Espiritu’y palayain
Gol ng pulong abutin.
4
Mga pulong, mga pulong,
Sa bundok, tabing-dagat,
Buhay na Hesus narito
Ano pa ba ang dapat?
Ilibing lumang relihyon
Maging Kristiyanidad—
Hesus, Hesus, taglay natin,
Siya’y ating realidad!

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.