Ngalan sa 'babaw ng lahat
1
|
Ngalan sa 'babaw ng lahat, Hesus, ngalang marilag. Anak ng Diyos mal'walhati, Hari ng mga hari! |
2
|
Ngalang malapit sa puso, Kublihan ng kal'wa ko; Ngalang mahal ng puso ko, Kay Hesus tiwala ko. |
3
|
O Hesus! Ligtas na ako Sa sama ng sala ko, Ligtas din sa kahatulan, Sama ng kalooban. |
4
|
Oras-oras, araw-araw, Sa Kanya'ng pasalamat, Dahil sa kaligtasan ko, Laya na sa sala ko. |
5
|
Hesus, matamis na himig, Sa manlalakbay-awit; Ngalang Hesus sa anghel nga'y Musikang matagumpay. |
6
|
Buong lupa tumingala, Sa dakilang Ako Nga; Langit kay Hesus pumuri, Sa Kordero'y l'walhati. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?