跳到内容
hymnal.net
hymnal.net
我的诗歌列表

已达下载上限

Krus ni Kristo'y una

ANG DAAN NG KRUS ANG DAAN SA TAGUMPAY

Tagalog634
1
Krus ni Kristo'y una
Sa 'ting labanan;
Dito'y managumpay,
Ngayo't kailanman.
Di lakas ng tao,
Di kabantugan,
Magtagumpay tayo
Sa Kanyang ngalan.
Krus ni Kristo'y una
Sa 'ting labanan;
Dito'y managumpay
Ngayo't kailanman.
2
Di rangya at gilas,
Ni pagpalalo,
Makibaka tayo
Na nakapako.
Sa pamamagitan
Ng dusa't siil;
'Ting pinanalunan
Subok, pagsupil.
3a Mabait gayunman
Tayo'y lalaban;
Matapang subali't
May kaamuan.
Nakahimlay habang
May ginagawa,
Malakas subali't
Laging mahina.
3b Kimi subali't may
Lakas ng loob
Nagtatamo habang
Nagkakaloob.
Kasama si Hesus
Tayo'y napako,
Kalakip ni Hesus
Nabub'hay tayo.
4
Mga saksi, tayo'y
Pinaligiran;
Apostol, propeta,
Banal, kai-bigan.
"Sulong" narinig ko
Digma'y tumindi
Una'y krus ni Kristo
Hindi hihindi!
5
Pangino'y tumahak,
'Ting tahakin din;
Siya ang Anak ng Diyos,
Kasama natin.
Kutamaya'y handa
Hanggang sukdulan,
Tayo'y iaakyat
At puputungan.

Delete Comment

要删除此留言吗?此动作无法复原。