Sundalong Kristiyano
1
|
Sundalong Kristiyano! Sumulong tayo, Nangunguna ang krus Sa 'tin ni Hesus. Kristong Ulo'y una, Sa pagbabaka, Sulong sa labanan, Bandila'y masdan. |
Sundalong Kristiyano! Sumulong tayo, Nangunguna ang krus Sa 'tin ni Hesus. |
|
2
|
Sa ngalan ni Hesus Kaaway ubos; Sa pagtatagumpay Nang walang humpay! Sa pagpuring tinig Hades yayanig: Papuri'y lakasan At mag-awitan. |
3
|
Ang ekklesia ng Diyos Ang kumikilos; Katulad ng hukbo Ay humahayo; Sa Katawa'y nagkaisa, Sa paniwala, Sa 'Spiritu isa Kailanma'y isa. |
4
|
Kaharia't trono Man ay maglaho, Ekklesia ng Kristo Di maguguho. Pinto ng Hades, Diyablo Di mananalo Dahil sa pangako Ng ating Kristo. |
5
|
Tayo'y sama-sama Sa pagsasaya: Awit ng tagumpay Ating ialay. Gloria, dangal, puri Kay Kristong Hari; 'To'y sa walang hanggan Ating awitan. |