Krus, higit ang bigat, pasan
1
|
Krus, higit ang bigat, pasan, Diyos higit mong lalapitan; Kung walang krus sa labas mo, Wala ring Diyos sa loob mo. Sa lilim ng krus 'nilagak, May lugi nguni't may galak. |
2
|
Mabigat ang krus na pasan, Banal mas ang karilagan; Kung walang luhang didilig, Tuyo bulaklak sa hardin; Ginto sa apoy—dalisay, Banal sa dusa'y sakdal. |
3
|
Nang bigat ng krus ay higit, Napalakas pananalig Piniga lamang na ubas, Makapagdaloy ng katas; Kung kabibe di masaktan, Walang perlas makakamtan. |
4
|
Mas mabigat krus na pasan, Ang panalangi'y puspusan; Kung langit maaliwalas, Mandaragat di magmatyag; At mga salmo ni David, Di ba't sa dusa'y naawit. |
5
|
Krus sa pasa'y bumibigat, Paghahabol di naglikat; Nasubok na manlalakbay, Pahinga'y nais mataglay; Nang ibo'y di makadapo, Sa arka muling nagtungo. |
6
|
Mas mabigat krus sa dati, Ang mamatay mas madali; Kung kalumaan tanggihan, Bagabag maiiwasan; Panalig tinaas ng krus Sa nagtagumpay nang lubos. |
7
|
Ikaw na Napako-sa-krus! Aking binabata ang krus. Mas matagal ang pagbata, Mas mahal, matamis nawa; Gayong puso bigyan ako, Hangga't putong ay matamo. |