Walang lugi, walang gana
Walang lugi, walang gana
1
|
Walang lugi, walang gana, Walang krus walang buhay nga; Kung di mamatay ang trigo, Pa'nong mamumunga ito? Kung magpaparami ako Pa'nong di basag at buo? Kung magpaparami ako Pa'nong di basag at buo? |
2
|
Manghahawak ng kalulwa, Kalulwa hinawakan nga; Kung alipin na may ginto, Alipin din na pareho. Saan man puso'y ibaling, Ito'y taling nang-alipin Saan man puso'y ibaling, Ito'y taling nang-alipin. |
3
|
Tanim sa bukid hinog na, Gintong kulay pinagpala; Bunga ng butil namatay, Bago ang ani'y mataglay. Kailangang may lumuha, Di bigong makipagbaka; Dumanas ng pagdurusa, Tanim handang anihin na. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?