Krus, higit ang bigat, pasan

1
Krus, higit ang bigat, pasan,
Diyos higit mong lalapitan;
Kung walang krus sa labas mo,
Wala ring Diyos sa loob mo.
Sa lilim ng krus ’nilagak,
May lugi nguni’t may galak.
2
Mabigat ang krus na pasan,
Banal mas ang karilagan;
Kung walang luhang didilig,
Tuyo bulaklak sa hardin;
Ginto sa apoy—dalisay,
Banal sa dusa’y sakdal.
3
Nang bigat ng krus ay higit,
Napalakas pananalig
Piniga lamang na ubas,
Makapagdaloy ng katas;
Kung kabibe di masaktan,
Walang perlas makakamtan.
4
Mas mabigat krus na pasan,
Ang panalangi’y puspusan;
Kung langit maaliwalas,
Mandaragat di magmatyag;
At mga salmo ni David,
Di ba’t sa dusa’y naawit.
5
Krus sa pasa’y bumibigat,
Paghahabol di naglikat;
Nasubok na manlalakbay,
Pahinga’y nais mataglay;
Nang ibo’y di makadapo,
Sa arka muling nagtungo.
6
Mas mabigat krus sa dati,
Ang mamatay mas madali;
Kung kalumaan tanggihan,
Bagabag maiiwasan;
Panalig tinaas ng krus
Sa nagtagumpay nang lubos.
7
Ikaw na Napako-sa-krus!
Aking binabata ang krus.
Mas matagal ang pagbata,
Mas mahal, matamis nawa;
Gayong puso bigyan ako,
Hangga’t putong ay matamo.