Kay Kristo ang kalayaan

B314 C401 CB540 E540 G540 K401 P267 R386 S243 T540
1
Kay Kristo ang kalayaan,
Pinalaya na ako!
Kasalana't kamatayan,
Lubos ang pagkatalo!
Kay Kristo ang kalayaan,
Pinalaya na ako!
Kasalana't kamatayan,
Lubos ang pagkatalo!
 
Higit pa sa magtagumpay,
Sa krus magmamapuri,
Ang kautusan ng buhay
Nagpapalakas lagi!
Higit pa sa magtagumpay,
Sa krus magmamapuri,
Ang kautusan ng buhay
Nagpapalakas lagi!
2
Si Kristo ang nagpalaya
Sa bawa't kautusan;
Buhay ayon sa biyaya,
Ay walang kaapihan.
Si Kristo ang nagpalaya
Sa bawa't kautusan;
Buhay ayon sa biyaya,
Ay walang kaapihan.
3
Kasalana'y nahatulan,
Nalipol kanyang lakas;
Wala na siyang katayuan,
Gapos sa aki'y kalas.
Kasalana'y nahatulan,
Nalipol kanyang lakas;
Wala na siyang katayuan,
Gapos sa aki'y kalas.
4
Kamataya'y dinaig Niya,
Buhay ipinahayag;
Kamataya'y walang bisa,
Pagkabuhay matatag.
Kamataya'y dinaig Niya,
Buhay ipinahayag;
Kamataya'y walang bisa,
Pagkabuhay matatag.
5
Satanas, kasam'an, mundo,
Nilipol na ni Kristo;
Kadiliman ay naglaho,
Buhay, ilaw natanto.
Satanas, kasam'an, mundo,
Nilipol na ni Kristo;
Kadiliman ay naglaho,
Buhay, ilaw natanto.
6
Biyayang sapat ay kamtan,
Kanyang kapangyarihan;
N'ging sakdal sa kahinaan,
At ako'y nasisiyahan.
Biyayang sapat ay kamtan,
Kanyang kapangyarihan;
N'ging sakdal sa kahinaan,
At ako'y nasisiyahan.