Kamataya'y hindi makapigil

B377 C472 CB639 E639 F127 G639 K472 P325 R460 S298 T639
1
Kamataya'y hindi makapigil,
Sa buhay ng pagkabuhay-muli;
Ito'y di-nilikhang buhay ng Diyos,
Ito'y si Kristo, buhay nagwagi.
Kamataya'y hindi makapigil,
Sa buhay ng pagkabuhay-muli;
Ito'y di-nilikhang buhay ng Diyos,
Ito'y si Kristo, buhay nagwagi.
2
Kamataya'y hindi makapigil,
Kahit lahat niyang lakas itanyag;
Binigyan lamang pagkakataon
Ang pagkabuhay lalong mahayag.
Kamataya'y hindi makapigil,
Kahit lahat niyang lakas itanyag;
Binigyan lamang pagkakataon
Ang pagkabuhay lalong mahayag.
3
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kung ilibing lalong lalaganap;
Lahat ng dusa'y nagpapalago,
Nagpapabunga, sagana't ganap.
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kung ilibing lalong lalaganap;
Lahat ng dusa'y nagpapalago,
Nagpapabunga, sagana't ganap.
4
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Giniba niya ang lahat ng hadlang,
Karimlan at Hades ay dinaig,
At nilipol yaring kamatayan.
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Giniba niya ang lahat ng hadlang,
Karimlan at Hades ay dinaig,
At nilipol yaring kamatayan.
5
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kapuspusan ng Diyos inihayag;
Kat'wiran, kabanala'y 'binunga,
Mal'walhating wangis ibinunyag.
Di masupil—pagkabuhay-muli,
Kapuspusan ng Diyos inihayag;
Kat'wiran, kabanala'y 'binunga,
Mal'walhating wangis ibinunyag.
6
Nawa'y malaman ko'ng pagkabuhay,
Sa kamatayan siyang ipaglaban,
Walang iba kundi Kristong buhay,
Pagkabuhay sa 'king karanasan.
Nawa'y malaman ko'ng pagkabuhay,
Sa kamatayan siyang ipaglaban,
Walang iba kundi Kristong buhay,
Pagkabuhay sa 'king karanasan.