Kalooban Mo ang siyang sundin

B257 C344 CB449 E449 K344 P206 R316 S193 T449
1
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Luad ako na huhugisin,
Ayon sa ibig Mo ay gawin,
Ako'y handa at masunurin.
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Luad ako na huhugisin,
Ayon sa ibig Mo ay gawin,
Ako'y handa at masunurin.
2
Kalooban Mo nawa'y gawin,
Ako ngayon ay Iyong subukin,
Ako'y hugasa't paputiin,
Ikaw lamang ang hihintayin.
Kalooban Mo nawa'y gawin,
Ako ngayon ay Iyong subukin,
Ako'y hugasa't paputiin,
Ikaw lamang ang hihintayin.
3
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Ako'y tulungan, ang dalangin,
Kapangyarihan ay Iyo rin,
Ako'y hipuin, pagalingin.
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Ako'y tulungan, ang dalangin,
Kapangyarihan ay Iyo rin,
Ako'y hipuin, pagalingin.
4
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Ako'y lubusan Mong sakupin.
Espiritu Mo ako'y pun'in,
Kristo ang mabuhay sa akin.
Kalooban Mo ang siyang sundin,
Ako'y lubusan Mong sakupin.
Espiritu Mo ako'y pun'in,
Kristo ang mabuhay sa akin.