Hesus, mabuhay sa akin
1
|
Hesus, mabuhay sa akin, Ikaw ang aking buhay, Sa lahat kong suliranin Kasagutan Kang tunay. Hesus, mabuhay sa akin, Ikaw laging masunod, Sisidlan akong gamitin, Ihayag ang Iyong lugod. |
2
|
Inialay na ang templo, Inalis ang karumhan, Nawa ay pagliyabin Mo Apoy ng kalangitan. Magpitagan buong mundo, Sa aking paghahain Bilang aliping maamo Tanging utos Mo'y sundin. |
3
|
Supilin Mo'ng katawan ko, Sa Iyong utos maghintay, Handang dalhin pamatok Mo O mapawalang-saysay. Walang kaba sa paghabol, Walang pigapit, takot Kung magdusa, walang tutol, Nais Kang bigyang-lugod. |
4
|
Mahinahon at maamo, Walang pagkiling, hilig, Ako ay tagasunod Mo, Gawin Mo ang Iyong ibig. Hesus, mabuhay sa akin, Ikaw ang aking buhay, Sa lahat kong suliranin Kasagutan Kang tunay. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?