Si Kristo ang mabuhay sa akin
1
|
Si Kristo ang mabuhay sa akin, Tanging Siya ang aking lulugurin; Handa, malaya, at masunurin, Ako'y tiyak Niyang pagpapalain. |
O Hesus, Panginoon, Ialay kong lubos, Tulad ng Iyong pagtubos, Buhay Mo'y 'binuhos; Ika'y tanging Poon ko, Puso ko'y Iyong trono, Ako'y mamumuhay ngayon Sa Iyo Panginoon. |
|
2
|
Si Kristo'y namatay sa halip ko, Dinusta't 'tinakwil sa Kalbaryo; Pumipilit yaring pag-ibig Niya Handog ang sarili ko sa Kanya. O Hesus, Panginoon, Ialay kong lubos, Tulad ng Iyong pagtubos, Buhay Mo'y 'binuhos; Ika'y tanging Poon ko, Puso ko'y Iyong trono, Ako'y mamumuhay ngayon Sa Iyo Panginoon. |
3
|
Si Kristo ang mabuhay sa akin, Bawa't gawa sa ngalan Niya'y tupdin; Handang mapighati at malugi, Bawa't subok, sa krus ay bahagi. O Hesus, Panginoon, Ialay kong lubos, Tulad ng Iyong pagtubos, Buhay Mo'y 'binuhos; Ika'y tanging Poon ko, Puso ko'y Iyong trono, Ako'y mamumuhay ngayon Sa Iyo Panginoon. |
4
|
Kristo'y ibuhay bawa't sandali, Kasiyahan ko ang Kanyang ngiti; Hanapin ang mga nawawala, Mga pagod ay dalhin sa Kanya. O Hesus, Panginoon, Ialay kong lubos, Tulad ng Iyong pagtubos, Buhay Mo'y 'binuhos; Ika'y tanging Poon ko, Puso ko'y Iyong trono, Ako'y mamumuhay ngayon Sa Iyo Panginoon. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?