Walang hanggang pagsinta
Walang hanggang pagsinta
1
|
Walang hanggang pagsinta Sa akin ay umibig, Ginabay ng biyaya, Upang aking mabatid. Kapayapaang sakdal Kay banal na damdamin, Patuloy pagmamahal, Ako'y Kanya, Siya'y akin. |
2
|
Palibot lunting kulay, Langit higit na bughaw; Bawa't kulay may buhay, Walang Diyos di matanaw: Ibong nag-aawitan, Bulaklak magaganda, Yamang aking nalaman, Ako'y Kanya, Siya'y akin. |
3
|
Ang bumagabag noon Di na makabalisa, Sapagka't ako ngayon Nakahimlay sa Kanya. Mananatili ako Magpakailanman dito, Binubulungan ako, Ako'y Kanya, Siya'y akin. |
4
|
Tanging Kanya kailanman Di mapaghihiwalay; Anong kapahingahan Si Kristo magbibigay. Langit, lupa'y mawala, Liwanag ma'y dumilim, Ang Diyos aking kasama, Ako'y Kanya, Siya'y akin. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?