O Panginoon, kami'y aangkin

C223 CB273 E273 F48 G273 K223 P150 R210 S132 T273
1
O Panginoon, kami'y aangkin,
Kalakasa't kapangyarihan;
At pag nakamit, bahagi namin,
Kaharian ipaglalaban.
O Panginoon, kami'y aangkin,
Kalakasa't kapangyarihan;
At pag nakamit, bahagi namin,
Kaharian ipaglalaban.
 
Kapangyarihan kami'y damitan!
Mula pa sa kaitaasan!
Kapangyarihan kami'y damitan!
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
Kapangyarihan kami'y damitan!
Mula pa sa kaitaasan!
Kapangyarihan kami'y damitan!
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
2
O Panginoon, sa Iyo'y titingin,
Dibinong ulan pabuhusin;
Dah'l sa Katawan ibuhos sa 'min,
Nang maangkop sa Iyong gawain.
O Panginoon, sa Iyo'y titingin,
Dibinong ulan pabuhusin;
Dah'l sa Katawan ibuhos sa 'min,
Nang maangkop sa Iyong gawain.
 
Ulan! Ulan! Ibuhos sa amin!
Nagmumula sa kalangitan!
Ulan! Ulan! ibuhos sa amin!
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
Ulan! Ulan! Ibuhos sa amin!
Nagmumula sa kalangitan!
Ulan! Ulan! ibuhos sa amin!
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
3
O Panginoon, hihintay sa Iyo,
Apoy na banal 'ming mataglay,
Upang ihayag ang ebanghelyo,
Puso ng tao'y idalisay.
O Panginoon, hihintay sa Iyo,
Apoy na banal 'ming mataglay,
Upang ihayag ang ebanghelyo,
Puso ng tao'y idalisay.
 
Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
Nang ang tao'y mapahayagan;
Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
Nang ang tao'y mapahayagan;
Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!