Sa laksang tao Siya'y higit

1
Sa laksang tao Siya'y higit,
Pag-ibig Niya!
Mas mainit sa kapatid,
Pag-ibig Niya!
Tao sa 'tin umaayaw,
Ngayo'y aliw, bukas panglaw;
Siyang Kaibigang may ilaw:
Pag-ibig Niya!
2
Tamasa ko'y lusog, laya,
Pag-ibig Niya!
Isipin utang sa Kanya,
Pag-ibig Niya!
Sa dugo, binili ako,
Sa ilang, hinanap ako,
Sa kawan inuwi ako:
Pag-ibig Niya!
3
Hesus kaibigang tunay,
Pag-ibig Niya!
Pagpala Kanyang binigay,
Pag-ibig Niya.
Puso tumingin sa Kanya,
Nang ako'y makapahingan;
Bakit sa Kanya tatanggi pa?
Pag-ibig Niya!
4
Aking sala'y napatawad,
Pag-ibig Niya!
Naghanda sa 'kin ng hapag,
Pag-ibig Niya!
Pinaka'buting pagpala,
Pawang buti walang sama;
Gabay ko hanggang sa glorya:
Pag-ibig Niya!
(Isinalin mula sa Intsik)