Bagama’t Diyos na mal’walhati Ka

1
Bagama’t Diyos na mal’walhati Ka,
Sa laman sa ami’y lumapit Ka,
Naging isang mababang Tao Ka;
Ginugunita Ka.
2
Naisantabi kal’walhatian,
Nananahan Ka sa toldang laman,
Walang panlabas na karilagan;
Ginugunita Ka.
3
Ikaw ay ugat sa tuyong lupa,
Isang Tao ng kapanglawan Ka,
Ika’y kinamuhian, minata;
Ginugunita Ka.
4
Mababang-loob at mapagtimpi,
Handang pagdusahin Iyong Sarili,
Sa tao’t Diyos walang sinasabi;
Ginugunita Ka.
5
Taong magiliw at matamis Ka,
Sa bawa’t panig balanse ka nga,
Handog na pagkain Ka sa Ama;
Ginugunita Ka.
6
Kalooban ng Diyos sinunod Mo.
Di kasinungalingan ng Diyablo,
Napakatapat Mo’t matalino;
Ginugunita Ka.
7
Sa pagsunod sa kalo’ban ng Diyos,
Kamatayan binata Mong lubos,
Para sa akin napako-sa-krus;
Ginugunita Ka.
8
Kaya nga, ang Diyos itinaas Ka,
Binigyan Kang kamahala’t glorya,
Luluhod sa Iyo ang langit, lupa;
Sinasamba Kita!