Iniibig ko ang Iyong tahanan
1
|
Iniibig ko ang Iyong tahanan, Ekklesiang pinagpala; Ito’y Iyong nais at kasiyahan, Dito Ka napahinga. |
2
|
Sa kanya Sarili Mo’y ’binigay Upang siya’y maging ganap; Sa kanya sarili ko’y ialay, Naisin Mo’y matupad. |
3
|
Ang ekklesia’y aking pamumuhay, Ikaw ay aking buhay; Sarili ko’y pinawalang-saysay, Ikaw lubos mataglay. |
4
|
Siya’y Iyong kasintahang sinisinta, Gayundin Iyong Katawan; Siya’y aking naisin at ligaya, Aking sinasandigan. |
5
|
Sa kanya Iyong ’binigay sa akin, Ang panustos Mong buo; Sa kanya ako ay Iyong inangkin, Nasiyahan Iyong puso. |
6
|
Iniibig ko ang Iyong tahanan, Ang hirang Mong ekklesia; Dito ako’y laging mananahan Hindi muling gagala. |