Nakikiramay ba si Hesus
1
|
Nakikiramay ba si Hesus, Kung ako’y nasasaktan Sa kahirapan, Kapighatian, At pasang krus pa ang daan? |
Oo, nakikiramay Siya, Ang puso Niya’y nasaktan, Kapag ang araw ay may kalungkutan Nakikiramay Siya. |
|
2
|
Nakikiramay ba si Hesus, Kung natatakot ako, Pagtakip-silim, At dumidilim, Siya ba ay nasa piling ko? |
3
|
Nakikiramay ba si Hesus, Kung mithing tagumpay na Pinagsikapan, Di ko nakamtan, Walang patid ang pagluha? |
4
|
Nakikiramay ba si Hesus, Kung sa ’king pagpaalam, Sa aking sinta Rito sa lupa; Puso ko’y nasusugatan? |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?