Para sa iyo’y may planong lihim
1
|
Para sa iyo’y may planong lihim, Tuon ka ng paglingap Ko; Diyos ang umuugit sa iyo, Laban sa bitag ng tuso. |
2
|
May planong lihim para sa iyo, Tiyak, di Siya mabibigo! Katapatan Niya’y himlayan, Tagumpay iyong makakamtan. |
3
|
May planong lihim para sa iyo, Kanyang pagsintang totoo; Di nakita’t napakingan, Nguni’t laang iyong subukan. |
4
|
May planong lihim para sa iyo, Layunin Niya’y lahad sa iyo; Masalimuot lilinaw Obramaestra matatanaw. |
5
|
Para sa iyo’y may planong lihim, Anak kang iningatan din; Tila para sa iyo lamang, Pag-ibig Niyang laang-laan. |