Pag di napiga’ng oliba
1
|
Pag di napiga’ng oliba, Langis ay wala; Alak man hindi makuha Sa ubas di napisa. Nardong kung kukuyumusin, Samyo’y kakalat; Ako’y di ba daraan din Sa nilaan Mong hirap? Bawa’t pagd’rusa Ay pakinabang; Kung anumang Iyong kinuha, Kapalit Ikaw lamang. |
2
|
Ibig Mo akong iunat Nang magkahimig? Upang tumamis ba’y dapat Magdusa sa pag-ibig? Kung kailan may kabiguan Pagsinta’y ’batid? Lugi’y di ko katakutan Kung Ikaw ay malapit. |
3
|
Hiyang-hiya sa sarili’t ’Ko’y maka-aka, Kahit sa Iyo nagpaukit, Napilitan lang ako. Maari bang gumawa Ka Ayon sa Iyong lugod? Damdamin ko’y walang bisa, Ikaw ang masusunod. |
4
|
Kung ang lungkot at galak Mo Sa ’ki’y di tugma, Kung sa ikalulugod Mo, Payag akong magdusa. Nasa ko ang Iyong ninasa, Mahirap man ’to, Sa Iyong l’walhati’t ligaya, Krus ma’y papasanin ko. |
5
|
Kahima’t ang aking awit Kahalo’y tangis, ’Ko’y sa Iyo muling pupuri, Ikaw ay anong tamis! Higit ngang mahalaga Ka Sa lahat-lahat; ’Ko’y bumawas, dumagdag Ka, ’Tong dalangin kong tapat. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?