Tinalikdan ko ang mundo pati ang kaaliwan
1
|
Tinalikdan ko ang mundo pati ang kaaliwan, Tinutuon aking puso sa mas banal na yaman; Di na ako maaakit ng silaw makamundo; Natawid ko na ang linyang naghiwalay sa mundo. |
Layung-layo na sa likuran ko! Natawid ko na ang linyang Naghiwalay sa mundo. |
|
2
|
Buhay ng pagkakasala aking tinalikdan na; Ang aking tuntungan ngayon si Kristo walang iba; Ngayon sa ilalim ng krus ako ay nasumpungan; Ako’y lumipat sa buhay mula sa kamatayan. |
Layung-layo na sa likuran ko! Ako’y lumipat sa buhay Mula sa kamatayan. |
|
3
|
Ako’y hindi na babalik sa dati kailan pa man, Pagka’t dito ay payapa, wala nang kahatulan; Pinalitan ko ang mundo ng aking Panginoon, Hindi ko na babalikan mundong aking tinapon. |
Layung-layo na sa likuran ko! Hindi ko na babalikan Mundong aking tinapon. |
|
4
|
Hanggang sa kawalang-hanggan, Kristo lamang ang akin, Liban sa Kanyang pag-ibig, wala na akong hiling; Di na ako mabubulag, ang puso ko’y kay Kristo; Tinawid ko’ng Pulang Dagat, tinalikdan ang mundo. |
Layung-layo na sa likuran ko! Tinawid ko’ng Pulang Dagat Tinalikdan ang mundo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?