Tila’y usang tinutugis
1
|
Tila’y usang tinutugis Na uhaw sa batis, Gayon ang puso ko sa Iyo, Mapanariwa Mo. |
2
|
Diyos na buhay, Pangino’n ko, Uhaw ako sa Iyo; Hangad Kitang malapitan, Higpit na kapitan. |
3
|
Ika’y buhay at lakas ko, Pati tahanan ko; Kay Kristo, nabusog ako At Kita’y natamo. |
4
|
Ngiti Mo’y kaligtasan ko, Nakatingin sa Iyo; Presensya Mo’y aking hiling, Masaganang akin. |
5
|
Ang gaya ko’y usang uhaw, Ang lunas ay Ikaw; Liban sa Iyo’y walang iba Aking ninanasa. |