Nang Kristo’y natalian
1
|
Nang Kristo’y natalian, Ako’y may kalayaan; Akong layas hinanap; Dilim naging liwanag. |
2
|
Pagsinta ba ng ina Sa anak maiwala? Lumimot siya maa’ri, Diyos nama’y hinding-hindi. |
3
|
Di nagbagong pag-ibig, Taas higit sa langit; Lalim higit sa dagat, May laya’t lakas, tapat. |
4
|
Kapag gawang biyaya, Lubusang maganap na; L’walhati’y makikita, Tanda ng pag-ibig Niya. |
5
|
Tangi kong karaingan, Pag-ibig sa Iyo’y kulang; Subali’t mahal Kita, Nawa’y mapahigit pa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?