Sa malayong burol, may magaspang na krus
1
|
Sa malayong burol, may magaspang na krus, Tanda ng dusa’t kahih’yan, At mahal ko ang krus, kung saan namatay Siya par’ sa makasalanan. Iibigin ko ang lumang krus, Hanggang karangala’y maiwan; Kakapit sa magaspang na krus, Sa hinaharap maputungan. |
2
|
Magaspang, lumang krus, hinamak ng mundo, Lubhang binighani ako; Langit ay iniwan ng Kordero ng Diyos, Krus pinasan sa Kalbaryo. |
3
|
Sa magaspang na krus, may bahid ng dugo, Kagandaha’y makikita; ’Pagka’t do’n si Hesus nagdusa’t namatay, Ako’y napawalang-sala. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?