Hesu-Kristo, Siya ang kailangan mo
1
|
Hesu-Kristo, Siya ang kailangan mo, Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; Lahat ng hirap Kanyang dinanas Kailangan si Hesus upang ika’y maligtas! |
Si Hesus ang iyong kailangan! Kailangan Siya ng tanan! Katubusan, kailangan, Kaligtasan, kailangan! At buhay walang hanggan, Kailangan Hesus! |
|
2
|
Nabuhay Siya at sumalangit na, Maniwala, tawagin ngalan Niya; Kapag ika’y sumampalataya, Mapasa iyo tugon ng kailanga’t biyaya. |
3
|
Tatanglawan iyong pusong madilim, Kasalanan mo’y patatawarin; Huhugasan ka ng Kanyang dugo, Buhay ng Diyos ay ipagkakaloob sa iyo! |
4
|
Sa buhay mo may kakulangan pa, Habang tumatagal, lumalala; Tanging Hesus makapagbibigay Ng kasiyahang kulang sa hungkag mong buhay! |
Si Hesus ang iyong kailangan! Kailangan Siya ng tanan! Mawala—kahungkagan, Matamo—kasiyahan, Buhay may kabuluhan, Kailangan Hesus! |
|
5
|
Ang mundo’y pawang kapighatian, Sa panganib walang maasahan; Ang lahat ay walang kabuluhan, Nagpapatunay na si Hesus ang kailangan! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?