Umasam sa lunsod, tolda’y tinirhan

C771 CB974 E974 K771 T974
1
Umasam sa lunsod, tolda’y tinirhan,
Lakbay niya ay ’tungong kal’walhatian;
Pangako ng Diyos ang kaaliwan niya,
Hinangad niya’y ’di makamundong rangya.
Umasam sa lunsod, tolda’y tinirhan,
Lakbay niya ay ’tungong kal’walhatian;
Pangako ng Diyos ang kaaliwan niya,
Hinangad niya’y ’di makamundong rangya.
 
Lunsod! O kay inam!
Diyos sa tao’y tatahang walang hanggan.
Lunsod! O kay inam!
Diyos sa tao’y tatahang walang hanggan.
2
Umasam sa lunsod, Diyos ang naghanda,
Mansyong makalupa’y walang halaga,
Ang Diyos ay nangako na siya’y bibigyan,
Dakong makahari sa kaduluhan.
Umasam sa lunsod, Diyos ang naghanda,
Mansyong makalupa’y walang halaga,
Ang Diyos ay nangako na siya’y bibigyan,
Dakong makahari sa kaduluhan.
3
Umasam sa lunsod; may hinagpis man,
Makalupang rangya ay tinanggihan,
Umaawit pag lunsod naalala,
Mabakong daan di na tatagal pa.
Umasam sa lunsod; may hinagpis man,
Makalupang rangya ay tinanggihan,
Umaawit pag lunsod naalala,
Mabakong daan di na tatagal pa.
4
Umasam sa lunsod, aming hangarin,
’Pagka’t batid na hinanda Mo sa ’min,
Bilang bahagi, lunsod na maningning,
Hesus kasama, daa’y tatahakin.
Umasam sa lunsod, aming hangarin,
’Pagka’t batid na hinanda Mo sa ’min,
Bilang bahagi, lunsod na maningning,
Hesus kasama, daa’y tatahakin.