Ang ekklesia’y Katawan
1
|
Ang ekklesia’y Katawan, Sarili ni Kristo; Sa Diyos Ama’y tahanan, Samahan ng banal, Hinalong Diyos at tao, Hinirang pa ng Diyos; Tinubos sa Kalbaryo Makalangit lubos. |
2
|
Ang muling-pagkabuhay Ni Kristo’y nagsilang Ng isang bagong tao At bagong nilalang; Sa kanya’y nagbautismo Ang Diyos Espiritu; Si Kristo’y kanyang buhay Mal’walhating Ulo. |
3
|
Siya rin ay pinabanal Ng Salita ng Diyos, Ang kanyang nilalaman Ay si Kristong lubos, Pati kanyang ugali Katulad ni Kristo, Lahat ng katunggali Kanyang napasuko. |
4
|
Ang kanyang sinaligan Ay si Hesu-Kristo, Lahat ng kanyang sangkap, Walang makamundo, Bawa’t sa kanyang sangkap, Bahagi’y Kalbaryo; Upang sa pagkabuhay Sila’y maitayo. |
5
|
Isang Diyos, isang Poon, Espiritu Isa - At iisang Katawan, Pananalig isa - Saka isang bautismo At isang pag-asa, Ang kanyang diwa’t buod, Walang hindi isa. |
6
|
Ang Diyos na tatlo-isa Nasa loob nila, Upang lahat ay maging Katawang iisa, Dahil sa pananalig Nagkabuklod sila, Sa pagbalik ni Hesus, Sila’y umaasa. |
7
|
Ang kanyang mga sangkap Sa tanan nagmula, Walang lipi at bansa, Mataas at aba, Ni malaya’t alipin, Ni Hentil at Hudyo Tangi lamang si Kristo, Ang Siyang Bagong Tao. |
8
|
Isa sa sansinukob, Tanging iisa siya, Nguni’t sa pagkahayag Bawa’t pook isa, Pamahalaa’y lokal, Kay Kristo managot, Ang pagsasalamuha Ay pansansinukob. |
9
|
Si Kristo ang ilawan, Ilaw ang Diyos banal, Patungan-ng-ilawan, Ang ekklesia lokal. Lokal niyang pagtitipon, Tinutulad nito Ang Bagong Herusalem Sa bawa’t aspekto. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?