Diyos sa langit may k’yamanan
1
|
Diyos sa langit may k’yamanan, Di masaysay nang lubos; Mahal Niya walang hangganan, Anak Niyang Kristo Hesus. Diyos sa lupa may k’yamanan, Tanging Siya maalam din; Malalim Niyang kaluguran Kristo’y nahayag sa ’kin. |
2
|
Di-maparisang halaga, Di-maubos na yaman; Tulad ng apoy na dila, Pinuspos ang sisidlan. Diyos Mismong pumuspos dito, Mula sa kalangitan; Pun’in ang sabik na puso, Pag-ibig walang hanggan. |
3
|
Marangal na tawag sa iyo, Daig pagsubok, tukso; Sanga in’ugnay sa puno, Ibuhos ang lahat mo. Abang sisidlang-lupa man, Dukha at walang dangal; Sa loob taglay mong yaman, Si Kristong pinarangal. |
4
|
Maging basyo at mababa, Di-pansinin at tago; Sisidlan ng Diyos, banal pa, Kay Kristo’y punung-puno! L’walhating di-natatakpan Ng sarili o lupa; Ibida ang kasaysayan, Binasyo’t pinuspos Niya. |