Ang bukang-liwayway di pa sumapit
1
|
Ang bukang-liwayway di pa sumapit, Nananahimik, kasama Kita; Anino’y naglaho, ibon umawit, Nagising ako, kasama Kita. |
2
|
Naaninag sa dagat mapayapa, Larawan ng tala sa umaga; Sa katahimikan minasdan Kita, Iyong larawan nasa puso ko na. |
3
|
Dala ng pagal nagpahinga ako, Sa panalangin sa Iyo’y tumuon; Matamis ang pahinga sa lilim Mo, Mas pa kung nar’yan Ka sa pagbangon! |
4
|
Gayon di sa huli, sa umaga nga, Anino sa buhay, tumakas na; O sa oras na yaon, anong ganda, Anong l’walhati, kasama Kita. |