Kristo’y obhektibo at subhektibo
1
|
Kristo’y obhektibo at subhektibo, Sa langit obhektibong nagsumamo; Nanahang subhektibo sa sangkap Niya, Panloob, binibigay sarili Niya. |
2
|
Sa langit sa kanan ng Diyos, naupo, Saserdoteng Mataas dala’y dugo; Aming Tagapamagitan sa langit, Tagapanagot, sa ’min umiibig. |
3
|
Espiritung nasa ’ming espiritu, Bilang aming buhay lahat dala Niya; Bawa’t oras Siya’y lakas at biyaya, Tagaaliw, at tustos ng lakas Siya. |
4
|
Para sa ’kin nal’wahating Tao Siya, Sa langit pumasok, Tagapanguna; Balak ng Diyos, ’sinakatuparan Niya, Tao’y dinala sa Diyos nang magkai-sa. |
5
|
Nanahan ang kapuspusan sa Kanya, Sa lo’b bilang ’Spiritu, Diyos dinala; ’Pinahayag sa ’tin Diyos ay totoo, Tayo’t Diyos hinalo sa pagtatayo. |
6
|
Obhektibong Kristo ’akyat sa langit, Hindi lalaon sadya Siyang babalik; Subhektibong Kristo nanahan sa ’kin, Di lalaon katawan ko’y babaguhin. |
7
|
Darating lupa’t langit magkasama, Sa lunsod banal Diyos, tao nagkai-sa; Ang obhektibo at ang subhektibo, Walang hanggang naihalo’t kumpleto. |