Si Kristo’y sentro ng Diyos
1
|
Si Kristo’y sentro ng Diyos, Pangkalahatan ng Diyos, Lugod ng Diyos at galak, Sa buong eternidad. |
2
|
Pag’sakatawan ng Diyos, Kapuspusan tumahan; Dibinong kataasan, Di Siya mahihigitan. |
3
|
Sa Kanya’y layon ng Diyos, Lahat Kanyang mapuspos, Lahat ng langit, lupa, Para sa Kanyang glorya. |
4
|
Likha’y para sa Kanya, Umiral d’hil sa Kanya; ’Tinatag d’hil sa Kanya, Sentro’t palibot ay Siya. |
5
|
Siyang lahat sa pagtubos, Sa Kanya’y napalubos; D’hil sa bisa ng dugo, Lahat sa Diyos ’kasundo. |
6
|
Simula ng lahat Siya, Ulo rin ng ekklesia; Siya nga sa mga patay, Ang talagang panganay. |
7
|
Hari sa kaharian, Kanya’y kapangyarihan; Namahala sa glorya Maging sa langi’t lupa. |
8
|
Sa Bagong langi’t lupa, Sentro ng lahat ay Siya; Pagka-Diyos, pagkatao Walang-hanggan Siyang sentro. |
9
|
Layon ng Diyos kay Kristo, Sa lahat unang p’westo; At gayong isang Kristo, Maging karanasan ko. |