Kristo, saksing tunay ng Diyos
1
|
Kristo, saksing tunay ng Diyos Sa salita man o kilos; Glorya’t kalikasan ng Diyos, Kay Kristo nakitang lubos. |
2
|
Kumpletong patotoo Siya, Utos nasa titik lamang, Siya’y buhay, kapangyarihan. |
3
|
Kapuspusan ng Pamun’an, Na kay Kristo nanahanan, Pag’sakatawan ng Diyos Siya, Tirahan at sisidlan pa! |
4
|
Kanyang tinanghal Diyos Ama, Glorya ng Diyos pinakita; Layon ng Diyos, daan ng Diyos, Pawang ’hinayag Niyang lubos. |
5
|
Kristo bilang Espiritu, Pumaritong bahagi ko; Sa ’king ’spiritu’y tamasa, Anuman ang Diyos akin na! |