Ating alal’hanin

1
Ating alal’hanin,
Pangako no’n ni David;
“Di ako papanhik
Sa bahay ko o silid;
Di ipipikit mata ko,
Hanggang masumpungan
Ang dakong tahanan ng Diyos,
Kanyang pahingahan.”
2
Tayo’y naging bulag,
Sa mahabang panahon;
Kalagan Pangino’n,
Puso sa Iyo’y ituon.
Aakyat sa kabundukan,
Materyal kukunin;
Itatayo bahay ng Diyos,
Huwag nang antalahin!
3
Pangino’n, magbangon
Ng lahing handang-handa;
Tulad ni David no’n,
Nagbigay ng lahat niya.
Upang itayong tahanan,
Katulad ng Iyong nasa;
Aming asam, maitayo
Kaming sama-sama.
4
Bigyang kabigatan
Ang mga tinawag Mo;
Pagnasang matindi,
Iyong tahanan itayo.
Daig ang pinto ng Hades,
Ekklesiang nai-tayo!
Nais naming bumalik Ka,
Kami’y itayo Mo!
(Ulitin ang huling apat na linya)