Pastol, kagila-gilalas
1
|
Pastol, kagila-gilalas! Hesus Pangino’n ko; Sa kulungan inilabas, Sa pastulan patungo. |
Buhay-ekklesia, Pigingang masagana! Dito’y may pagkakaisa, Diyos nag-utos pagpa’la. |
|
2
|
Nasa paghati-hati, Tayo’y Kanyang hinanap, Nang madala sa l’walhati, Sa ’spiritu maganap. |
3
|
Hesus Mismo ’ting pastulan, ’Ting tunay na pagkain; Tupang Kanyang tinutustusan Sa pagpupulong natin. |
4
|
Bundok mataas tirahan, Hamog anong sariwa; Wala na ang kauhawan, Tubig buhay sagana. |
5
|
Kristo’y pahinga’t tamasa, Dito’y walang pangamba; Sa mayamang presensiya Niya, Tupa’y napepreserba. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?