Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

’Pag ang Panginoon ay dumating

PAG-ASA NG KALUWALHATIAN MAKIKITA NANG MUKHAAN ANG PANGINOON

Tagalog965
1
’Pag ang Panginoon ay dumating,
Makalalaya na sa hinaing,
Walang hanggan Siyang makakapiling,
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Walang hanggan Siyang makakapiling,
Purihin Siya!
2
’Pag akin Siyang nakitang mukhaan,
Makasama Siya magpakailanman,
Biyaya’y awit ko’t kagalakan,
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Biyaya’y awit ko’t kagalakan,
Purihin Siya!
3
’Pag sa luklukan Siya’y nakaharap,
Mapaparam mga paghihirap,
Galak ng tagumpay matatanggap,
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Galak ng tagumpay matatanggap,
Purihin Siya!
4
Doon ako’y magpapatotoo,
Walang katulad buhay ni Kristo,
Anong l’walhati ng pag-akyat ko!
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Anong l’walhati ng pag-akyat ko.
Purihin Siya!
5
Sa Panginoon tayo’y magkubli,
Laging kaisa Niya di mahati,
Upang Siya’y masiyahang mabuti,
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Upang Siya’y masiyahang mabuti.
Purihin Siya!
6
Aking Hari, Ika’y pumarito,
Kami’y kunin ayon sa pangako,
Mandaraig mabigyan ng premyo,
Purihin Siya!
Purihin Siya! Purihin Siya!
Mandaraig mabigyan ng premyo.
Purihin Siya!

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.