Puso’y gutom, espiritu’y uhaw
1
|
Puso’y gutom, espiritu’y uhaw, Panginoon, Ikaw ang pangtighaw; Tanging Ikaw ang aking kailangan, Kasagutan Ka at kasiyahan. |
O Panginoon, samo’y dinggin, Gutom at uhaw, Iyong pawiin; Tuwa’t kalakasan, Iyong lubusin, Pagtatamasa’y mapasa ’kin. |
|
2
|
Pagkain Ka at tubig ng buhay, Dulot sa ’kin ay lakas na tunay; Nais Kitang inumin at kanin, Sa pagbabasa’t pananalangin. |
3
|
Salita ka’t kapuspusan ng Diyos, Diyos sa Espiritu’y aking tustos; Sa Salita’y pagkaing kay yaman, Espiritu’y tubig na nakamtan. |
4
|
Pagkain Kang bumaba sa langit, Naging inumin sa dusa’t sakit; Bilang pagkain, yaman Kang tustos, Bilang inumin, batis Kang lubos. |
5
|
Sa Salita’y Espiritu’t buhay, Aking pagkain upang mabuhay; Espiritu’y sa ’kin nananahan, Sa espiritu Siya’y nakakamtan. |
6
|
Nang matamasa’y lalapit sa Iyo, Sa Salita Mo’y kakain ako; Sa espiritu’y babaling sa Iyo, Upang uhaw ko’y matugunan Mo. |
7
|
Hesus, sa pag-inom ko’t pagkain, Sa pagbabasa’t pananalangin; Basa’t dalangin, inom at kain, O, Panginoon Ikaw ay akin. |
8
|
Ngayon Ika’y aking kagalakan, Espiritu’t Salita’y kakamtan; Nawa’y Ikaw palagi ang pista, Kapuspusang aking matamasa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?