Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Si Hesus ating kaibigan

PANANALANGIN SINASABI SA PANGINOON

Tagalog789
1
Si Hesus ating kaibigan,
Hirap nati’y pinasan,
Nagbigay ng karapatan
Diyos ay madalanginan!
Gaanong lumbay at dusa
Ang ating binabata
Pagka’t di natin nilagak
Sa Diyos ang ating lahat.
2
May tukso ba’t kaguluhan?
Tayo’y sinusubukan?
Hindi dapat manglupaypay,
Sa Diyos natin isaysay.
Si Kristo ba’y may katulad
Sa pagdamay sa hirap?
Talos Niya ang kahinaan,
Sa Kanya ipapasan.
3
Mabigat ba ang pasanin,
Mga alalahanin?
Kay Hesus mo idalangin,
At Kanyang aalisin.
Kung kaibigan mo’y lumimot,
Idalangin mo sa Diyos;
Kanyang kamay ang iyong taklob,
Panatag ang iyong loob.

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.

Cha

Puerto Princesa City, Palawan, Philippines

Jan 28, 2026

"Kung kaibigan mo’y lumimot,
Idalangin mo sa Diyos" 🙏.
Thank you Lord 🙏

Read more
James Amar

Narra, Palawan

Nov 26, 2021

Salamat sa awit na ito. Patuloy na nagbibigay insperayon...

Read more