Kay hiwaga, Pangino’n
1
|
Kay hiwaga, Pangino’n, Espiritu Mo’y sa ’kin, Kamangha-mangha ngayon, Dalawa’y pag-isahin. |
2
|
Ayon sa espiritu, Espiritwal lumakad; Maglingkod sa ’spiritu, Sumamba sa Iyo lahat. |
3
|
Salita Mo’y basahin, At tuwing manalangin, Espiritu’y hipuin, At ako’y palakasin. |
4
|
Espiritung malakas, Bubuhayin ang iba; Espiritung maningas, Palayain ang iba. |
5
|
T’wing ako’y magsalita, Espiritu’y kumilos, Kahit anong paggawa, Espiritu’y mapuspos. |
6
|
Pag gumawa’y ’spiritu, Mabubuksan ang iba; Pag kumilos ’spiritu, Maaahon ang iba. |
7
|
Panginoon dinggin Mo, Espiritu ’ko’y hipan, Yayaman ang ’spiritu Lakas ay maragdagan. |