Kumapit huwag magpumiglas

1
Kumapit huwag magpumiglas,
Mapapalakas;
Pagpiglas, lungkot ang dala,
Kapit, pahinga.
2
Pigilin sariling sikap,
Hinto pagpiglas;
Payapa ng Diyos matamo,
Sa iyong pagsuko.
3
Na kay Hesus buong bigat,
Sa ’kin nagligtas;
Pag-ibig Niya ang umangkin,
Ako’y alipin.
4
Ang sumunod at mamatay,
May wagi’t buhay;
“Di aking layon kundi Iyo”
Ang tagumpay ko.